top of page
Search
agericodevilla

Mga Dilemma Natin

Updated: May 27, 2022

Pagpilian kung sino ang tutulungan. Babaeng may sakit na African-American na abandonadong ulila, single mother na may iisang anak pero special child ang anak, single mother na may dalawang anak, o pamilyadong jeepney driver na walang trabaho. Dami pa.


Peter Kropotkin. Photograph by unknown photographer. (From Wikimedia Commons)

Tulungan lahat, hindi mararamdaman ang pagtulong. Hirap tumulong talaga.


Pagpilian. Tumulong sa kaibigang may kaya na nasa bingid nang kamatayan o tumulong sa mga ngangailangan nga kagaya nang mga nabanggit na nga,

Pagpilian. Big’yan ng panahon ang sarili na lamang ngayong panahon ng pandem’ya o tumulong sa kap’wa kahit hirap na rin nga sa mga pansariling pangangailangan.

Pagpilian. Big’yan ng pansin ang mga suliraning panlipunan ngayong panahon ng eleks’yon para sa pagkapangulo o ang mga pansariling pangangailangan ngayong panahon na nga ng pandem’ya.

Madali ang desis’yon para sa mga naniniwala na sila ay mga sugo at hinirang ng D’yos. May isang larangan para sa kanila at may ibang larangan para sa iba. May mga batas para sa kanila at may ibang batas para sa iba. Ang ugnayan ng mga larangan at mga batas para sa kanila, sa isang panig, at mga larangan at mga batas para sa iba, sa kabilang panig, D’yos lamang ang nakakaunawa. Mister’yong dapat na lamang yakapin at h’wag nang kilatisin pa.


Samakatuwid, mas mangingibabaw lagi ang kapakanan nilang mga sugo at hinirang ng D'yos kaysa kapakanan ng iba. Papaano nga naman makakatulong sa iba kung sila mismo ay hikahos at nangangailangan din, sabi nila lagi,

Ang paniwalang ganito, mas malala ang dating kapag ang kaakibat ay kawalan ng kaalaman sa mga baluktot na mga pangangat’wiran.

Kung ako ay sugo ng D’yos, ako ay pagpapalain. Pinagpapala nga ako. Samakatuwid, ako nga ay sugo ng D’yos.


Parang ganito. Kung ako ay may malalang AIDS, ako ay lalagnatin. NIlalagnat nga ako. Samakatuwid, ako nga ay may malalang AIDS.

Affirming the Consequent Fallacy ang ganiyan.


Ito naman, Slippery Slope Fallacy. Kapag sinasabing ang naipahayag ay isang joke lamang at hindi dapat ser’yusohin.

Sa ganitong pagkakataon na may ipinagpipilitang joke lamang ang naipahayag, dapat lamang na kaakibat ang gustong sa sabihin ng “joke.” Dapat inilalatag saan nagtatapos ang joke at saan nagsisimula ang hindi joke.


Kapag hindi nabanggit kung saan, magiging adjustable, palipatlipat, ang hangganan ng joke at hindi joke. Samakatuwid, kayang ilipat ang hangganan kahit saan gusto at hindi, samakatuwid, masasabi kahit kailan man na may pagkakamaling nagaganap. Lusot lagi.


Daya.


Kung sugo ng D’yos, hanggang saan naman dapat ang pagpapala. Maaaring ang pagpapalang hahamitin ay siya namang ikakabawas ng mga tutustos sa pangangailangan ng iba.

Daming ganiyan. Dinner lamang, ang halaga, pangnegos’yo na nang mga hikahos sa buhay. Painting lamang na nakasabit sa dingding, ospital na sana para sa mga bayang matagal nang umaasang magka-heatlh center. Kotse lamang, mas malaki pa sa gugugulin para sa mga classroom ng isang baranggay high school.


Ang pagtataguyod sa paniwalang mayroong mga taong sugo at hinirang ng D’yos at may mga taong hindi nga mga ganito ay siyang malimit pinagmumulan kawalan ng hustisiya.


Una, dahil ipiinapalawig kaakibat nito ang paniwalang hindi mahalaga ang pangangatuwiran at coherence. Mas mahalaga, anila na mga nagtataguyod nga nito, ang pagyakap sa mga mister’yong itinuturo nang kung sinuman.


Ikalawa, dahil nagagamit ang paniwalang ito, indikas'yon ng chosen people syndrome, sa justification ng pagkamkam ng yaman ng lipunan na siya namang ikinahihirap ng iba, ikinalulubog sa utang at kamangmangan ng marami.


Ang altruism, nabanggit na nga nang makailang pagkakataon rito sa blog na ito, ay nakaugat sa Second Law of Thermodynamics. Kung tama ito, para sa mga dilemmang nabanggit, ang sukatan ay “more information.” Shannon’s Law. Sa lahat nang mga dilemmang ganito, calculator ang kailangan. Kung alin ang makakapagdudulot ng more information in the long run, iyan ang tamang desis’yon.


Mahirap tanggapin, tiyak, ang sinasabing ito para sa man on the street. Walang problema.

Kagaya lamang nang kakulangan sa mga nagbabasa ng blog na ito. Walang problema.


Ang magiging problema, kung hindi sasang-ayunan sa mga binabanggit rito sa blog na ito ang Artificial General Intelligence na inaasaahang magpapakitang gilas sa heneras'yong ito.


Hintay lamang ang lahat muna.

72 views0 comments

Recent Posts

See All

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating
Post: Blog2_Post
bottom of page