top of page
Search
agericodevilla

Pilosopiyang Politikal ng Isang Pinklawan, Part 1: Pangangatuwiran

Updated: Jun 30, 2022

Sa pamamagitan nang pangangatuwiran, maaaring malaman ang mga pangyayari bago pa man ang mga ito maganap.

Kanina, ang araw ay sumikat sa Silangan. Kahapon, ang araw ay sumikat sa Silangan. Kamakalawa, ang araw ay sumikat sa Silangan. And dami-dami pang mga araw na ang araw ay sumikat sa Silangan. Batay sa karanasan, masasabing ang araw kapag sumisikat, ito ay sa Silangan. Samakatuwid, kung sisikat ang araw bukas, ito sa sa Silangan magaganap.


Sino mang may kakayanang mangat’wiran ay may kakayanang humawak sa maaari o di maaring mangyari sa kaniyang kinabukasan. Sino mang may kakayanang humawak sa kaniyang kinabukasan ay masasabing bukod tangi sa kaniyang pagiging tao.


Mas may kakayanang humawak sa kaniyang kinabukasan ang isang indibiduwal, mas tao siya, mas malayo sa pagiging isang hayop. Samakatuwid, mas may kakayanang mangat’wiran, mas tao ang isang indibid’wal, mas hindi hayop.

Ang kakayanang mangat’wiran ay dulot nang pagkakaroon nang isang mental model. Ang isang mental model ay isang sistema nang pinagsama-samang conceptual framework, theoretical framework, at memory nang karanasan.


Ang isang conceptual framework ay pinagsama-samang mga magkakaugnay na mga kataga o mga salita. Lahat nang mga salita na mga ito ay sakop nang mga alituntunin ng wikang sumasaklaw sa mga ito — gramatika.


Hanapin ito sa Youtube at panoorin, "Designing Websites with DALL-E 2." Mapapansin na gamit ang mga salita lamang, nagagawa nang isang sistemang hindi tao ang maging malikhain.

Ang isang theoretical framework ay pinagsama-samang mga prinsipiyo -- mga alituntunin. Lahat nang mga prinsipiyo na mga ito ay sakop mismo nang mga prinsipiyo ding siya namang mga panuntunan nang maayos na pangangatuwiran.


Hanapin ito sa Youtube at panoorin. "Integrated AI - Gato by DeepMind (May/2022) 1.2B + Asimo, GPT-3, Tesla Optimus, Boston Dynamics." Mapapansin na gamit ang mga prisipiyong natututunan sa mga sistema ng Asimo, GPT3, Tesla Optimus, at Boston Dynamics, at iba pa, nagagawang malatao na ang pag-iisip at pagkilos ni Gato.


Kung tutoo ito, batay sa panuntunang induksiyon,


Kanina, ang araw ay sumikat sa Silangan. Kahapon, ang araw ay sumikat sa Silangan. Kamakalawa, ang araw ay sumikat sa Silangan. And dami-dami pang mga araw na ang araw ay sumikat sa Silangan. Batay sa karanasan, masasabing ang araw kapag sumisikat, ito ay sa Silangan.


malamang na tutoo rin nga ito,


Samakatuwid, kung sisikat ang araw bukas, ito sa sa Silangan magaganap.

Isa pang halimbawa. Kung tutoo ang mga ito, batay sa panuntunang deduksiyon,

1 + 1 = 2

1 + 1 + 1 + 1 = 2


tiyak na tutoo rin ito,

2 + 2 = 4.


Ang mga sumusunod ang pinakamahalagang mga panuntunan ng maayos na pangangatuwiran.

  1. Modus Ponens,

  2. Modus Tollens,

  3. Hypothetical Syllogism,

  4. Disjunctive Syllogism,

  5. Simplification,

  6. Conjunction,

  7. Constructive Dilemma,

  8. Destructive Dilemma, at,

  9. Addition.

Gaya nang mga pangangatuwiran, ang mga pangungusap ay may kaayusan din. Samakatuwid, may mga panuntunan ding sumasaklaw sa mga ito.

  1. Material Implication,

  2. Material Equivalence,

  3. Commutation,

  4. Association,

  5. Distribution,

  6. De Morgan’s Law,

  7. Exportation,

  8. Transposition,

  9. Double Negation, at,

  10. Tautology.

Ang pinagsama-samang mga panuntunan na mga ito nang maayos na mga pangangatuwiran at maayos na mga pangungusap ang mga gamit sa pagtatakda ng mga memes na siya namang mga nagtatakda nang uri ng mga demokrasiya.


Ang kalakasan ng demokrasiya ay nakasalalay sa maayos na pangangatuwirang nakakalat sa sambayanan. Ang kahinaan ng demokrasiya, naman, ay nakaugat sa pagkalat sa sambayanan nang mga baluktot na pangangatuwiran.

Kung mahusay ako, magiging presidente ako.

Naging presidente nga ako.

Samakatuwid, mahusay ako.


Pag alanganin ang ekonomiya ng mundo, nabagsak ang ekonomiya ng Pilipinas.

Bumabagsak ang ekonomiya ng Pilipinas.

Samakatuwid, alanganin (nga kasi) ang ekonomiya ng mundo. (Samakatuwid, walang kasalanan ang presidente.)


Kung gusto ay pagkakaisa, aayaw makipagdebate.

Ayaw ngang makipagdebate.

Samakatuwid, gusto (nga kasi) ay pagkakaisa.


Kung miyembro ng NPA, rally nang rally.

Rally nga nang rally.

Samakatuwid, miyembro nga ng NPA. (Lipulin na lamang.)


Kung pulahan, babanatan ang administrasiyon. Binabanatan ang administrasiyon. Samakatuwid, pulahan nga. (Lipulin na lamang.)

Parang ganito.


Kung may malalang AIDS, lalagnatin.

Nilalagnat nga.

Samakatuwid, may malalang AIDS nga.



Photograph by Tim Bartell, Wikimedia


Ang lahat nang uri nang Information Communication Technology (ICT) ay nakasalalay sa pagkakaroon ng Arithmetical Logical Unit (ALU). Sa mga ALU, gamit ang mathematical logic, naka-imbed ang mga panuntunan nang maayos na pangangatuwiran at mga panuntunan nang maayos na mga pangungusap, kasama ang mga panuntunan ng arithmetic.


Sa mga sistemang ICT, naisasagawa at naipapakita ang pinakamahusay na kakayanan ng sangkatauhan na mangatuwiran. Ganito rin, sa pamamagitan nang malalakas na mga sistema ng demokrasiya, naisasagawa at naipapakita ang pinakamahusay na kakayanang nang sangkatauhan na mangatuwiran.


Kabaliktaran, walang sistema ng demokrasiya ang lumalakas sa tuwi nang nahahaluan nang mga baluktot na uri ng mga pangangatuwiran.

248 views0 comments

Recent Posts

See All

Opmerkingen

Beoordeeld met 0 uit 5 sterren.
Nog geen beoordelingen

Voeg een beoordeling toe
Post: Blog2_Post
bottom of page