Ang himaymay ng DNA nating mga bumubuo ng ating mga genes ang siyang nagtatakda nang pisikal nating kaayusan — kung kayumanggi ba o puti ang ating mga balat, kung malaki ba o maliit ang ating mga tainga, kung matangos ba o hindi ang ating mga ilong.
Ganito rin, ang mga panuntunan nang maayos na pangangatuwiran at nang maayos na mga pangungusap, kasama ang mga panuntunan ng arithmetic, ang mga bumubuo ng ating mga memes. Itong mga memes na ito ang siya namang mga nagktatakda nang kaayusan ng ating mga kultura. Kasama sa mga kulturang ito ang ating mga sistema ng demokrasiya.
May mga malakas na sistema ng demokrasiya, may mga mahina. May mga tahimik at dinamiko, may mga magulo at waldas sa mga resources. Mga memes ang nagtatakda nitong mga ganitong katangian; ang mga himaymay ng pangangatuwiran natin ang siya namang nagtatakda nitong mga ganitong memes nga na mga ito.
Takda ng genes, bakit ganito ang pisikal nating mga kaayusan. Takda ng memes bakit may katangiang ganito ang ating mga sistema ng demokrasiya.
Ang mga genes, laman ay mga information code, mga chromosomes nga. Bawat mga informaton code, may katapat na pisikal na kaayusan nang organismo — phenotype ang tawag sa pisikal na mga kaayusang tinutukoy. Baguhin o palitan ang code, katapat ay pagbabago o pagpapalit ng anyo ng organismo, pagpapalit ng mga phenotype.
Ang pagkakaroon ng isang uri ng mga balakang at mga suksukan ng femur, nangangahulugan nang isang kaayusan ng paglalakad.
Ang pagkakaroon ng isang uri ng pares nang mga mata, nangangahulugan nang isang kaayusan ng pagtantiya sa layo o lapit ng mga nakikita.
Ang pagkakaroon ng isang uri nga dila, voice box at kalamnan ng leeg, nangangahulugan nang isang kaayusan nang pagsasalita.
Ang pagkakaroon ng isang uri ng utak, nangangahulugan ng isang uri ng pag-iisip.
Ang pagkakaroon nang lahat nang mga pisikal na kaayusang mga ganito, nangangahulugan nang isang uri ng pagkilos, kaugalian o kultura. Sa ganitong pagsusuri, nakikita nating ang kultura ay extension ng pisikal nating mga na phenotype — extended phenotypes.
Ang pinakamatinding nakakaapekto sa extended phenotypes natin gaya ng kultura ay uri ng pag-iisip. Hindi lahat ay pare-pareho nang uri ng pag-iisip. Maliwanag na nangyayari na ang isang hanay ng mga tunog ay maaaring maging musika para sa isa, ingay naman para sa iba.
Ang nagtatakda nang uri ng extended phenotypes ay ito ngang mga memes, siyang mga code of information. Ang mga code na ito ay ang mga panuntunan nga ng maayos na pangangatuwiran, maayos na mga tambalang pangungusap, kasama ang mga panuntunan ng arithmetic. Pagbabago nang mga memes, siyang pagbabago ng mga uri ng extended phenotypes — pagbabago ng katangian ng sistema ng demokrasiya.
Pansinin ang isa sa mga panuntunan ng maayos na pangangatuwiran.
Kung pupunta ka sa Espana, kailangan mo nang pasaporte.
Pupunta ka nga sa Espana.
Samakatuwid, kailangan mo nang pasaporte.
Kahit ano pa man ang nilalaman, basta ganito,
p ⊃ q
p ⊢ q,
ang kaayusan, tiyak na kung tutoo ang dalawang batayan, tiyak na tutoo rin ang inaabutan.
Modus Ponens ang tawag dito.
Ang siyam na pamantayan ng maayos na pangangatuwiran at sampung pamantayan ng maayos na tambalang mga pangungusap, kasama ang mga pamantayan ng arithmetic, ay naka-embed bilang mga information code sa Arithmetical Logical Unit (ALU) nang lahat nang mga Central Processing Unit (CPU) nang lahat ng mga computer.
Pansinin ang isang baluktot na katuwiran.
Kung pupunta ka nang Espana, kailangan mo nang pasaporte.
Kailangan mo nang pasaporte.
Samakatuwid, pupunta ka nga ng Espana.
Kapag ganito ang kaayusan ng katuwiran,
p ⊃ q
q ⊢ p,
kahit tutoo lahat nang mga batayan, maaari pa ring maging hindi tutoo ang inaabutan. Ika nga, may malulusotan sa katuwirang ganito.
Fallacy of Affirming the Consequent ang tawag dito.
Sa isang pagtingin, hindi mahalaga ang political color ng isang samahan. Ang mas mahalaga, ang uri ng pangangatuwiran nito.
Kung makakaliwang rebelde ka, rally ka nang rally. Rally ka nang rally nga. Samakatuwid, makakaliwang rebelde ka. (Salot ka nang bayan at dapat nililipol.)
Kung inaapi ka, maghihirap ka. Naghihirap ka. Samakatuwid, inaapi ka. (Dapat lamang sumama ka sa mga rebolusiyonariyong tagapagtanggol ng bayan.)
Parehong ganito ang kaayusan ng pangangatuwiran ng dalawang katuwiran na ito. Parehong baluktot.
p ⊃ q
q ⊢ p.
Punuin ng mga baluktot na mga kaayusan ng pangangatuwiran ang ALU ng isang computer, tiyak hindi gagana nang maayos.
Punuin ng mga baluktot na pangangatuwiran ang mental model nang isang indibiduwal, maging siya man ay makakaliwa o hindi, mawawalan siya nang maayos na pagtaya sa kaniyang kinabukasan — luluwag ang kaniyang paghawak sa kaniyang kinabukasan at maaaring mabitiwan pa nga ito.
Kung lahat sa kaniyang lipunan ay magiging ganito ang mental model, malamang na maagang malilipol ang lipunang ito at mapapasaisang-sulok na lamang ito ng kasaysayan.
Huwag naman sanang mangyari sa ating lipunan ito.
Comments