top of page
Search
  • agericodevilla

Pilosopiyang Politikal ng Isang Pinklawan, Part 3: Altruismo at VP Leni

Updated: Jul 30, 2022

Ang altruismo ay likas sa sangkatauhan. Nakabatay ito sa mga batas ng matemathics at physics.


Kung may panahon, bigyan nang pansin ang mga ito -- mga nailabas dati pa sa blog series na ito.





Ang unang babasahin, nagsasaad nang paliwanag kung papaano ang kakulangan nang mga akda ni Charles Darwin ay pinupuno nang mga akda ni Peter Kropotkin. Hindi kasi maipaliwanag nang teoriyang natural selection ni Charles Darwin kung bakit may mga indibiduwal na mga hayop kagaya nang mga worker at mga soldier na mga bubuyog at mga langgam ang walang pakialam sa ikalalaganap nang kanila mismong mga genetic inheritance. Lumalabas na walang pakialam ang mga indibiduwal na mga ito sa kanilang mga makaindibiduwal na kagalingan — para sa mga ito, ang kagalingan nang buong komunidad ng mga bubuyog o mga langgam ang mas mahalaga kaysa kagalingan nilang mga indibiduwal. Si Peter Kropotkin ang nagpuno sa kakulangang ng mga paliwanag nga ni Charles Darwin.


Ang ikalawang babasahin, nagsasaad nang paliwanag kung ano ang kinalaman ng altruismo sa mga batas ng matemathics at physics. Kung saan-saan sa larangan ng biology nakikita ang mga patunay ng altruismo. Lumalabas na tama si Peter Kropotkin sa paliwanag niya. Ibig sabihin lamang nito, malamang ay sakop din ng mga batas ng chemistry at physics ang phenomena ng altruismo -- sakop na din kasi ng biology.


Ang ikatlong babasahin, nagsasaad nang paliwanag kung ano ang kinalaman nang usaping altruismo sa biology sa larangan ng etika, samakatuwid pilosopiyang politikal. (Paliwanag, halimbawa, ni Tetsuro Matsuzawa -- "Cognitive Tradeoff Hypothesis.")

Sa larangan nang guerra, hindi maiiwasang magbuwis nang buhay ang ilan para lamang sa kagalingan ng nakararami. Dito nagiging mahalaga ang pagkakaroon ng isang maliwanag na pilosopiyang politikal. Sasabak at sasabak sa guerra ang ilan kahit alam nilang ikamamatay nila ito kung maliwanag sa kanila ang kanilang ipinaglalaban. (“The art of war is of vital importance to the State. It is a matter of life and death, a road either to safety or to ruin. Hence it is a subject of inquiry which can on no account be neglected.” ― Sun Tzu, The Art of War)

Sa larangan nang negosiyo, ganoon din, ang “what?” at “how?” ay lumalabas lagi sa mga pagsusuri ng mga akademiko na pumapangalawa lamang sa pagsagot nang “why?” (Paliwanag, halimbawa ni Simon Sinek -- Start with Why?)


Kung ang paniwala lamang ay sa kagalingan ng isang personalidad, hindi malayo na makakalimutan at makakalimutan nang sambayanan ang mga legacy nang mga personalidad na ito. Nakikita ito sa takbo nang ating kasaysayan noon pa man at ngayon din.


Hindi magiging problema ito sa kaso ni VP Leni kung ang pilosopiya na siyang pinagbabatayan nang kaugalian ni VP Leni ang ilalatag. Simple lamang ito. Altruismo. Iyan ang makikita sa kaayusan nang ugali at pag-iisip ni VP Leni. Punong-puno siya nang indikasiyon ng altruismo.


Nakikita na natin ang mga indikasiyon nang altruismo kina Jose Rizal, Emilio Jacinto, Aplinario Mabini, Antonio Luna, Evelio Javier, Benigno Aquino at napakarami pang iba. Ngayon, nakikita na nga natin rin ito kay VP Leni.



Vice-President Leni Robredo. Photo from the Office of the Vice-President


Sa panahon ng paghihirap, kakailanganin natin ang pagkilala sa ating pilosopiyang politikal. Sakaling hindi natin ito maipaliwanag nang maayos sa ating sambayanan, ang simplistic na “strong government” approach ay mangingibabaw at mangingibabaw lagi. Dito talaga ang labanan, ang malaman kung bakit natin kailangang magsakripisiyo para sa bayan.

301 views0 comments

Recent Posts

See All

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating
Post: Blog2_Post
bottom of page