top of page
Search
  • agericodevilla

Plans for Batangas Eastern Academy, Inc.

Updated: Jul 28, 2021

“Para sa mga taga-San Juan” ang Batangas Eastern Colleges. Dagdagan ko pa, para sa kabataan ng San Juan. Hindi para pagkitaan ng mga De Villa. Non-profit ang orientation ng Batangas Eastern Academy.


Dapat lamang paghiwalayin ang dalawang enterprises ng Batangas Eastern Academy, Inc., ang Batangas Eastern Colleges, sa isang panig, at ang Treasures of San Juan, sa kabilang panig. Ang BEC, paaralan ng mga nakakabatang mga taga-San Juan, ang kabataan; ang pakay, mapagyaman, hanggang kaya, ang kaalaman ng kabataan. Ang Treasures of San Juan, business incubator; ang pakay, makaakay nang mga start-up hanggang sa maging maayos na mga negosiyo ang mga ito. Kung may gustong kumita, hindi nararapat na kumita sa pamamaraang makakabawas sa uri ng serbisiyo sa kabataan; walang dapat asahan na ganito sa BEC. Kung may gustong kumita, subukan na lamang na magtayo ng start-up sa ilalim ng pangangasiwa ng Treasures of San Juan — ito, para sa mga administrative, mga faculty members, at mga alumni.


Short-term, dapat makabayad ng mga utang ang BEC. Dapat mangyari ito sa loob ng pito hanggang sampung taon. Gagawin ito sa pamamagitan ng pagtitipid at pagtitiis. Lahat ay dapat involved, teamwork.


Medium-term, mag-i-innovate ang BEC. Magtatayo ng regular language courses beginning with Nihongo. Magtatayo ang BEC ng agro-forestry and fisheries unit. Maglalatag ang BEC ng TESDA offerings in hydrophonics and aquaphonics, permaculture din. Maglalatag ang BEC ng TESDA offering sa caregiving ulit. Dagdag lahat ang mga ito over and above mga regular offerings na ng TESDA with BEC.

Medium-term pa rin, magtatayo at aakay ang Treasures ng start-ups sa larangan ng hydrophonics at aquaphonics. Ganito rin sa larangan ng food service. Ganito rin sa larangan ng food processing. Ganito rin sa larangan ng Information Commuication Technology. Ganito rin sa larangan ng Language Education. Ganito rin sa larangan ng modular housing. Ganito rin sa larangan ng book publishing. Mag-i-initate na rin po ang BEC, medium-term, ng Open University format para sa mga OFW na taga-San Juan at mga tagakaratig-bayan na gustong makakuha pa rin ng kanilang mga college diploma.


Long-term, makikipag-partner ang Batangas Eastern Academy sa mga Japanese at Korean enterprises sa pagtatayo ng mga medium-scale enterprises sa San Juan sa larangan ng agriculture, forestry and fisheries. In the process, BEC hopes to establish itself as a world class business school. In the process, BEC hopes to lead San Juan onto becoming a world class business hub.

Key is the establishment of an efficient management team that understands the projections involved, the rational behind the plans, the milestones involved and, overarching everything, the philosophy that is the basis of the vision of a community of the youth of San Juan in control of its life under a working democracy.


The Illustration here is the result of a scenario-building that an ICT team I am part of has done at UP.


888 views0 comments

Recent Posts

See All

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating
Post: Blog2_Post
bottom of page