Kung "ang pamantayan ng kalikasan na lamang ang hahayaang lumaganap, labanang patay kung patay, matira ang matibay, iiksi at magiging malungkot at di kaaya-aya ang buhay ng sinuman.” Hugot mula kay Thomas Hobbes itong aking pahayag na ito. Maliwanag naman sa mga kaganapan ngayon sa Ukraine.
Para “sa isang nilalalang na marunong ng maayos na pangangatuwiran, matatantya niya na ang ganitong hinaharap ay kayang maiwasan” (Ilan sa mga pahayag dito ay galing sa naunang blog na rito — https://www.pinoytoolbox.org/post/demokrasiya-natin). Masuwerte tayo, marunong tayong gumamit nang maayos pangangatuwiran. Kaya nating maging matahan at mahaba ang ating mga buhay.
Kanina, ang araw ay sumikat sa Silangan. Kahapon, ang araw ay sumikat sa Silangan. Kamakalawa, ang araw ay sumikat sa Silangan. And dami-dami pang mga araw na ang araw ay sumikat sa Silangan. Batay sa karanasan, masasabing ang araw kapag sumisikat, ito ay sa Silangan. Samakatuwid, kung sisikat ang araw bukas, ito sa sa Silangan magaganap.
Ganito rin. Batay rin sa karanasan, sa tuwing laganap ang pamantayan ng kalikasan, patay kung patay, matira ang matibay, umiiksi at nagiging malungkot at di kaaya-aya ang buhay ng sinuman. Samakatuwid, kung sa hinaharap ay magiging laganap ang pamantayan ng kalikasan, patay kung patay, matira ang matibay, maaasahang magiging maiksi, at magiging malungkot at dikaaya-aya ang buhay ng sinuman.
Ganiyang hinaharap, dapat iwasan. Kayang iwasan nga.
Siyang dapat gawain, “magkasundo ang lahat na huwag pabayaang mangibabaw ang labanang patay kung patay, matira ang matibay." "Dapat magkasundo na ang pangangatuwiran (siyang nagagamit nga sa pagatataya nang hinaharap) ang pangunahing paiiralin— hindi pawang lakas ng braso at kamao lamang...”
“Samakatuwid, kailangang magkasundo na may ilang mga kaugalian ang hindi na dapat walang habas na kinusuksinti.” Ang mga ganitong kaugalian, sa halip, “dapat pa ngang maipalilalim sa mga alituntuning bayan, gaya ng mga nasa Kartilya ni Emilio Jacinto o ng mga nasa Dekalogo ni Apolinario Mabini.”
“Sa ganitong kaayusan ng bayan, hindi na kikilalanin na pangunahing sukatan nga ang galing at lakas ng braso at kamao.” Dapat ang pangunahing gamit, “kakayanan sa maayos na pangangatuwiran na lamang; kung sino ang mahusay sa maayos na pangangatuwiran, siya ang dapat kilalanin.”
Sa ganitong kaayusan nang mental model isinilang ang kahusayan nang Sibilisasiyong Moderno. Dahil sa ganitong kaaayusan nga nang pag-iisip, napatalas natin ang ating kakayanan sa maayos na pangangatuwiran gamit ang metodong siyentipiko.
“Medieval” na pag-iisip mayroon ang mga magpipilit na lakas lamang nang braso at kamao ang siyang makakapagbigay sa atin nang kakayanang mahigpit na mapanghawakan ang ating kinabukasan. Iyang mga nagsasabing sa ikauunlad ng bayan, disiplina lamang ang kailangan, ganiyan nga. Iyang mga nagsasabing giyerang suntukan at patayan ang ating pangunahing mga labanan, ganiyan nga.
Mediyebal na mga pag-iisip. Alam na natin.
Comments