Nothing beats starting them young. Reading, writing and arithmetic. In addition, logic.
“Wise is a man who learns from his experience. Wiser is the man who learns from the experience of others,” saying goes. Ergo, the need to be able to read. Meaning, thanks to capacity to read, predisposing kids to contamination with the right kinds of mental viruses as those we get from studying arithmetic. “Mental viruses” as in “memes.”
Early Modern Period thinkers like Thomas Hobbes and John Locke — inventors of Modern Social Contract Theory — have shown how human capacity to learn from experience predisposes everyone to establish societies governed by law and order. The meme involved is the foundation of everyone’s belief in the United Nations and constitutional republics as we know them now.
Nabanggit na nga, kung "ang pamantayan ng kalikasan na lamang ang hahayaang lumaganap, labanang patay kung patay, matira ang matibay, iiksi at magiging malungkot at di kaaya-aya ang buhay ng sinuman.”
Sa isang nilalalang na marunong ng pangangatuwiran, matatantya niya na ang ganitong hinaharap ay kayang maiwasan. Ang kailangan lamang gawain ay magkasundo ang lahat na huwag pabayaan mangibabaw ang labanang patay kung patay, matira ang matibay; dapat magkasundo na ang pangangatuwiran ang pangunahing paiiralin— hindi pawang lakas ng braso at kamao lamang. Samakatuwid, kailangang magkasundo na may ilang mga kaugalian ang hindi na dapat walang habas na kinukunsinti. Sa halip ay dapat pa ngang maipalilalim sa mga alituntuning bayan … (https://www.pinoytoolbox.org/post/demokrasiya-natin)
Ang ganitong katuwiran, maaaring ilatag sa matematikal na kaayusan. Sa ganito namang kaayusan, maaari itong kilalanin bilang isang “meme.”
Ang himaymay ng DNA nating mga bumubuo ng ating mga genes ang siyang nagtatakda nang pisikal nating kaayusan — kung kayumanggi ba o puti ang ating mga balat, kung malaki ba o maliit ang ating mga tainga, kung matangos ba o hindi ang ating mga ilong.
Ganito rin, ang mga panuntunan nang maayos na pangangatuwiran at nang maayos na mga pangungusap, kasama ang mga panuntunan ng arithmetic, ang mga bumubuo ng ating mga memes. Itong mga memes na ito ang siya namang mga nagktatakda nang kaayusan ng ating mga kultura. Kasama sa mga kulturang ito ang ating mga sistema ng demokrasiya. (https://www.pinoytoolbox.org/post/pilosopiyang-politikal-ng-isang-pinklawan-part-2-mga-information-code-ng-mga-demokrasiya)
Ang pagkalat nang ganitong pangangatuwiran, ganito nga na mga meme, nina Hobbes at Locke ang siyang pinagmumulan nang mga constitutional republic na siyang nagkalat ngayon sa mundo na parang may pandemiya.
Binanggit na rin natin ito dati pa. “Much as we communicate viruses from one computer to another, or from one organism to another, we also communicate memes from one mental model to another.” (https://www.pinoytoolbox.org/post/pilosopiyang-politikal-ng-isang-pinklawan-part-6-communication-in-its-broadest-sense)
Ang siste, kung wala namang kakayanang magbasa ang publiko, o sobrang hirap magbasa na hanggang sa maaari ay iiwasan ang pagbabasa, walang epektibong pagkalat nitong mahuhusay na mga meme na ito ang mangyayari. Sa kaso nang pagkalat nang pangangatuwiran at paniwala sa Social Contract Theory, nagkataon lamang na ang mga namumuno sa mga lipunan nang Europa noon ang siyang mga nakumbinsi agad na gamitin itong pangangatuwiran na ito sa paglalatag ng mga republika na nagkalat na nga ngayon. Sa kaso ngayon ng Pilipinas, dahil nga sa pagtataguyod ng demokrasiya natin, ang lahat ay kasama sa pagtataguyod ng republika, magaling mang magbasa o hindi — malaki ang kinalaman ng masa at hindi siyang mga namumuno lamang ang nagdedesisiyon.
Dahil nga sa hirap magbasa, ang pinagkukunan nang impormasiyon ay iyong mga naririnig sa radiyo at telebisiyon, at saka sa mga video shorts ng Facebook, Instagram, Twitter, Tik Tok o Youtube. Ganito rin sa mga vlog.
Iwas sila lagi sa mga libro at mga artikulo nang mga malalaking news agencies. Lalo pa kung Ingles. Iwas din sa mga blog kagaya nang sa akin nga.
Mukhang lahat ay gagawain para makaiwas sa pagbabasa. Nood na lamang ng video shorts nga. Iwas debate. Kaya magne-name-calling na lamang o gagamit nang mga pangkaraniwang sinasabi nga nang mga sikat sa mga radiyo at telebisiyon, mga video shorts nga, at mga vlog. (https://www.pinoytoolbox.org/post/zombies-the-enemies)
Sa ngayon, batay sa karanasan namin sa aming mga eskuwelahan — isa, itinatag nang 1928, at isa naman ay 1940 — may mga graduate ngayon nang elementariyang pampubliko na halos hindi makabasa. Hawig dito, iilan lamang sa mga graduate ng mga pampublikong junior high ang tutoong mahusay magbasa sa Ingles (3%) at kahit na rin sa Filipino (17%). Sa makatuwid, significant sa ating mga kabataan ngayon, hanggang sa maaari ay iwas sa pagbabasa na sa tingin nila ay pahirap sa kanila.
Wala kami, sa aming mga eskuwelahan, na natatanggap na subsidy in any form para sa pre-school hanggang sa grade six students natin. Unfortunately, ito sa pre-school at elementariya ang pinakamahusay na pagkakataon na magkaroon ng intervention para humusay ang kabataan natin at maging kampante sa pagbabasa nga.
Walang kontaminasiyon nang maayos na mga pangangatuwiran ang mangyayari sa publiko natin hanggang hindi naisasaayos ang ating pagtuturo sa pagbabasa sa mga nasa pre-school hanggang grade six natin.
Dito ang tunay na labanan. HIndi sa barilan, kung hindi sa mga pakikipagkuwentuhan sa kabataan at iba pa na nahuhugot sa pagbabasa.
Comments